Nagdeklara si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng sampung bagong National Artists ng Pilipinas, sa bisa ng Proclamation No. 1414.
Ito ang kinumpirma ni Communications Secretary Dave Gomez.
Kabilang sa mga bagong National Artist ng bansa ay sina:
Nicanor Tiongson at Gregorio Brillantes para sa Literature;
Imelda Cajipe Endaya at Nunelucio Alvarado para sa Visual Arts;
Gabriel Formoso para sa Architecture.
Rafael “Nonoy” Froilan para sa Dance;
Maria Beatriz “Patis” Tesoro para sa Design; Armando “Bing” Lao para sa Film and Broadcast Arts;
Teodoro Hilado para sa Theater; at Alfredo Buenaventura para sa Music.
Nabatid na apat na taon na ang nakalipas nang magdeklara si Pangulong Marcos ng huling batch ng National Artists. Ito ang pinakamataas na pagkilala ng bansa sa larangan ng sining at kultura.