Aprubado na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panukala ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na magkaroon ng floodgate at pumping station mabawasan na ang pagbaha sa lungsod
Sa anunsyo ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez inaasahang ilalagay ang proyekto sa Parañaque River at masisimulan na ang pagpaplano at pagtatayo ng dalawang imprastraktura sa susunod na taon.
Kaya naman kinailangan ang pag-apruba ng MMDA at DPWH dahil ang Parañaque River ay itinuturing na “major waterway” at di basta-bastang puwedeng lagyan ng harang.
Una nang sinabi ni Olivarez na ang floodgate at pumping station sa bukana ng Parañaque River, pagitan ng Brgy. Don Galo at La Huerta, ang malaking tulong para maibsan ang baha da lungsod Pero paalala pa rin ng alkalde, kailangan panrin ng disiplina sa basura upang hindi na maging problema ang pagbara nito sa mga daluyan ng tubig.