Photo courtesy of DPWH
Tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon na tuloy-tuloy ang kanilang pagsasaayos sa mga drainage inlets sa mga flood-prone area sa buong Metro Manila.
Ito ang naging pahayag ni Dizon kasunod ng isinagawang inspeksiyon sa EDSA Guadalupe-Estrella area.
Mas pinalaki na kasi ang kapasidad ng mga drainage inlets sa kahabaan ng EDSA Guadalupe-Estrella mula sa dating 0.5-meters na ngayo’y 1.5-meters na.
Pagtitiyak pa ng kalihim na ito rin ang magiging hakbang ng DPWH sa mga lugar kung saan patuloy pa rin ang nararanasang pagbaha.