Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Capital Region Police Office sa PNP-CIDG para sa mahigpit na pagbabantay kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center.
Ayon kay NCRPO Chief Police Brigader General Christopher Abrahano, nakikipag-ugnayan din sila sa mga pamunuan ng ospital upang matiyak na ligtas at mahigpit ang seguridad sa paligid ng ospital habang naka-hospital arrest si Romualdez.
Ayon naman kay Abrahano, dahil CIDG ang naghain ng arrest warrant kay Romualdez ay sila ang nagmamando sa mga pwedeng makipag-usap at bumisita sa kongresista.
PNP-CIDG din ang mangunguna kung ililipat man ng detention facility si Romualdez kaya patuloy ang pakikipagkoordina at pagtulong ng NCRPO sa CIDG.
Matatandaan na ngayong araw (September 10) may utos na ang Sandiganbayan 3rd Division na ilipat si Romualdez sa detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology pero hanggang sa ngayon ay wala pang impormasyon kung ililipat nga ba si Romualdez sa Payatas City Jail ngayong araw.