Sa ikalawang sunod na buwan, muling magpapatupad ng bawas singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) para sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay MERALCO Vice President at Corporate Communications Head, Joe Zaldarriaga nasa ₱0.0409 ang magiging pagbaba sa singil o katumbas ng ₱14.7434 kada KWh ang magiging bawas pesyo ngayong buwan
Ilan sa mga itinuturong dahilan ng pagbaba ng singil para sa buwang ito ay ang pagbaba ng singil ng Ancillary Services na kinokolekta ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Gayundin ang tapyas na ₱0.1657 kada kWh sa mga buwis at iba pang singilin bunsod naman ng pagtatapos ng maintenance shutdown ng Malampaya gas facility
Kasunod nito, patuloy ding mapakikinaban ng mga konsyumer ang dalawang refund ng MERALCO na katumbas ng PHp 1.0139 kada kWh para sa mga residential customer.