Photo courtesy | Joyce N. Boghosian / The White House
Hindi pinagbigyan ni U.S. President Donald Trump ang umano’y panawagan ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman na magsagawa ang Estados Unidos ng direktang pag-atake laban sa Houthi forces sa Yemen.
Ayon sa ulat ng Axios, dalawang beses tumawag ang Saudi crown prince kay President Trump upang hilingin ang agarang aksyong militar kasunod nang paglala ng banta ng Houthis sa Saudi Arabia at sa mga rutang pandagat sa Red Sea.
Gayunman, sinabi ng mga opisyal ng U.S. na walang plano ang administrasyong Trump na magsagawa ng direktang operasyon laban sa grupo.
Sa halip, palalakasin ng Washington ang pakikipag-ugnayan at pagbibigay ng suporta sa Saudi Arabia habang iniiwasan ang panibagong digmaan sa Middle East.
Samantala, nagpunta sa Saudi Arabia si U.S. Central Command chief, Admiral Brad Cooper, para sa emergency coordination.
Patuloy namang mino-monitor ng Estados Unidos ang sitwasyon sa Red Sea at Bab el-Mandeb Strait na mahalagang ruta ng pandaigdigang kalakalan.