Photo courtesy of the Presidential Communications Office
Muling pinagtibay ng mga opisyal ng Estados Unidos at Japan ang suporta ng kanilang mga bansa sa economic agenda ng Marcos administration, partikular sa pagpapalakas ng pamumuhunan at imprastraktura sa ilalim ng Luzon Economic Corridor (LEC).
Sa LEC Investment Forum na ginanap sa Taguig, sinabi ni United States Trade and Development Agency Deputy Director at Chief Operating Officer Thomas Hardy na mahalagang maisalin ang plano ng proyekto sa mga konkretong pamumuhunan.
“The Luzon Economic Corridor is just at that point today. But its greatest potential lies ahead,” — Hardy.
Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng maingat na pagpaplano, matibay na pakikipagtulungan, at pamumuhunan na magbibigay ng pangmatagalang resulta.
Dagdag pa ng opisyal, makatutulong ang LEC sa pagpapalakas ng supply chains at economic security, dahil ang mabuti para sa Pilipinas ay mabuti rin para sa ating lahat.
Samantala, sinabi ni United States Ambassador to the Philippines Lee Lipton na nananatiling matatag ang alyansa ng Washington at Maynila.
“The United States alliance with the Philippines remains ironclad, ” — Lipton.
Ayon kay Lipton, makatutulong ang LEC sa paglikha ng mas maraming pamumuhunan, imprastraktura at trabaho sa Subic, Clark, Manila at Batangas, kabilang ang mga industriya tulad ng semiconductors, artificial intelligence, at trusted technologies.
“The United States is all in, sir. The United States is all in,”—Lipton.