Photo courtesy of Presidential Communications Office
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikawalong pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC), upang talakayin ang infra sector ng Pilipinas at upang masiguro ang katatagan ng mga imprastruktura at water security sa bansa.
Sumentro ang pulong sa mga hakbang na magpapatatag ng infra sector ng bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa mas mataas na standards para sa mga gusali at construction materials.
Gayundin ang kahandaan sa sakuna, flood management, at water infrastructure.
Ilan lamang sa mga iminungkahing aksyon ay ang paglilinis sa Manggahan Floodway, konstruksyon ng Parañaque Spillway, at pagpapaigting ng mga hakbang upang mapalakas ang paghahanda sa tagtuyot.
Gayundin ang pagpapadali sa proseso, para mapabilis ang paggulong ng mga kritikal na water infrastructure.
Ang pulong na ito ay sumasalamin sa patuloy na commitment ng administrasyon na makipagtulungan sa pribadong sektor, upang makapagbigay ng mas ligtas, mas matatag, at future-ready na mga imprastruktura, na poprotekta sa mga komunidad.
Gayundin, para sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa na malampasan ang mga kalamidad o sakuna na tatama sa Pilipinas.