Ligtas at nasa mabuting kalagayan ang 13 Pilipinong nagtatrabaho sa Siberia, Russia.
Ito ang pinagbigay alam ni Philippine Embassy sa Moscow, Russia, Deputy Chief of Mission at Consul General Lorenza Arlene Gonzales-Macaisa sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon pa kay Consul General Gonzales-Macaisa na “business as usual” sa Moscow, kapitolyo ng Russia bagamat mahigpit naman ang ginagawang health security measures sa Siberia partikular sa Irkutsk dahil sa napaulat na aksidente sa Anti-Plague Facility na matatagpuan sa nasabing lugar.
Matatandaang napaulat sa international Media ang naganap na isang laboratory accident sa nasabing anti-plague facility na kinasawi ng isang 28 taong gulang na reseacrch scientist sanhi ng “pneumonia of unknown origin.”
Mahigpit na ring nakikipag-ugnayan ang World Health Organization sa Russian Health Authorities para sa karagdagang impormasyon sa nagyaring insidente sa Anti-Plague Facility sa Siberia, Russia.