Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon kaugnay ng napaulat na kaso ng “pneumonic plague” sa Russia.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagaman nauunawaan nila ang pangamba ng publiko hinggil dito ngunit hindi naman ito lisensya para maghasik ng takot sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon.
Paalala pa ni Nartatez, may katapat na parusa sa sinumang mapatutunayang magpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon sa ilalim ng mga umiiral na batas.
Matatandaang isang babaeng kawani ng Irkutsk Anti-Plague Institute sa Siberia at Far East ang pumanaw dahil sa pneumonia na hindi pa tukoy ang pinagmulan.
Samantala, tinutugunan ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko kaugnay ng hinihinalang kaso ng pneumonic plague sa Russia. Sinabi ng ahensya na patuloy nitong binabantayan ang mga kaganapan hinggil dito.
Sinabi rin ng DOH na nakahanda itong tumugon sa usapin kung kinakailangan.
Dahil dito, halos 200 katao ang isinailalim sa medical monitoring, habang isang ospital ang isinailalim sa quarantine.