Pinalawak pa ng Department of Education (DepEd) ang kanilang learning recovery initiative upang maipagpatuloy ang mga nakamit na tagumpay ng bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, sa pamamagitanito ng paglulunsad ng ARAL Mathematics gayundin ang pagpapatupad ng mga flexibe tutoring model sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Sa ilalim ng DepEd Memorandum no. 060, s. 2026, pinalawak ang programa mula sa foundational reading patungo sa pangunahing kasanayan sa numeracy para sa Grade 1 hanggang Grade 10 salig sa Republic Act 12028 o ARAL program Act.
Dito, tutugunan ng ARAL Mathematics ang mga learning gap mula Grade 1 hanggang Grade 10 gamit ang diagnostic profiling sa pamamagitan ng Rapid Mathematics Assessment (RMA).
Susubaybayan ng mga tutor ang pag-unlad ng mag-aaral gamit ang isang Individual Mathematics Intervention Plan (IMIP) upang matiyak ang nakatutok na suporta.
Upang matiyak ang malawakang pakikilahok sa iba’t ibang konteksto ng mga paaralan, nagpapatupad ang DepEd ng mga flexible na pamamaraan ng pagtuturo, kung saan maaaring mag-alok ang mga paaralan ng face-to-face, online, o blended tutoring.