File photo
Handa na ang mga health agency sa posibleng pagtaas ng heat-related illnesses sa Pilipinas, bunsod ng inaasahang mas mainit at mas tuyong panahon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis na bahagi ng national El Niño team ang Department of Health (DOH) na nakatutok sa mga hakbang upang protektahan ang publiko.
Mayroong mga lokal, pambansa, at sub-national policies na aniyang nakalatag upang maiwasan o mabawasan ang epekto ng matinding init sa kalusugan.
Patuloy din, aniya, ang koordinasyon ng DOH, mga lokal na pamahalaan at DOST-PAGASA hinggil sa heat-health measures.
Sinabi pa ni Solis na kabilang dito ang pagbibigay ng mga abiso at gabay sa publiko tuwing tumataas ang heat index at panganib ng heat-related illnesses.