Photo courtesy of PRIB/Cesar Tomambo
Kasama pa rin si dating Senador Antonio Trillanes IV sa listahan ng mga testigo ng prosekusyon para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Prosecutor Terry Ridon, nakasalalay ang kanyang pagharap sa takbo ng mga ebidensya.
Aniya, si Trillanes ay nakatala bilang “common witness” o testigo ng parehong kampo ng prosekusyon at depensa, ngunit hindi pa niya tinukoy ang eksaktong petsa ng pagtestigo nito kaugnay ng mga paratang sa hindi maipaliwanag na yaman (unexplained wealth).
Paliwanag pa ng mambabatas, sinusuri ng prosekusyon ang pangangailangan ng bawat testigo sa bawat araw at linggo ng paglilitis.
Kung sapat na ang mga ebidensyang maipresenta, maaaring hindi na ituloy ang iba pang testimonya.
Pangungunahan naman nina Ridon at Rep. Chel Diokno ang paghaharap ng mga dokumento sa usapin ng hindi maipaliwanag na yaman simula sa Lunes, Setyembre 14.