Agad nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA sa pitong survivors ng pagkasunog ng MV June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan.
Ayon sa DSWD, kinamusta at binigyan ng suporta ang mga survivors na nagpapagaling sa ospital matapos ang insidente nitong Miyerkules, September 9.
Bawat survivor ay nakatanggap ng tig-₱3,000 financial assistance, ready-to-eat food boxes at psychosocial support.
Nakaantabay naman ang DSWD para sa iba pang pangangailangan ng mga survivors at kanilang pamilya habang nagpapatuloy ang kanilang recovery.
📸 DSWD

