Patuloy na pinapalakas ng pamahalaan ang digital infrastructure at kakayahan ng mga Pilipino, bilang suporta sa paglago ng ekonomiya, lumikha ng mas mataas na uri ng trabaho, at ihanda ang Pilipinas sa mga bagong teknolohiya.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patuloy na pinapalakas ng pamahalaan ang digital foundations ng bansa bilang bahagi ng pagtatayo ng isang modernong ekonomiya.
Aniya, isinusulong rin ng gobyerno ang mga digital na pundasyon ng isang makabagong ekonomiya. Pinalalawak ang ligtas na connectivity at advanced computing infrastructure.
Pinapalakas din ang cybersecurity at nagtatatag ng safety measures para sa responsableng paggamit ng artificial intelligence.
Kasabay nito ang pagsusulong ng renewable resources, pagpapalakas ng power grid at paggamit ng mga teknolohiyang makatutulong sa paglago ng ekonomiya at pangangalaga sa kapaligiran.
Sinabi ng Pangulo na mayroon nang matibay na pundasyon ang Pilipinas ng mga manggagawang may kakayahan sa digital technologies.
“We are enabling them to move into the higher-value work and helping Filipino enterprises become creators—not merely users—of the new technologies,”ayon sa Pangulo. “We want our country to help design and build the solutions that will shape our future.” —Pangulong Marcos Jr.
Ayon pa sa Pangulo, nakatutok na rin ang pamahalaan sa pagpapahayag ng interes tungo sa commercial partnerships; at mula sa isang shared vision tungo sa mga pamumuhunang maisasakatuparan at masusukat ang resulta.
Lalo’t binabago aniya ng teknolohiya ang paraan ng paggawa ng mga produkto at paghahatid ng mga serbisyo.
“We offer a growing domestic market, access to major trade routes, a young and talented population, and strong economic relationships across the world. We are reinforcing these advantages through better connectivity, reliable energy, modern digital infrastructure, and stronger domestic industries,” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan