Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na posibleng sa November ay magkaroon na ng hatol ang senate Impeachment court sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam nitong weekend, sinabi ni Gatchalian na matapos ang presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon sa Article 2 o unexplained wealth, tututukan naman ang Article 4 o bribery, bago simulan ang panig ng depensa.
Tinatayang tatagal ng 30 hanggang 45 araw ang paglilitis sa panig ng depensa at maaari pa aniya itong magbago depende sa mga susunod na testigo at pagbabago sa iskedyul.
Una nang sinabi ni Gatchalian na nais nilang matapos ang paglilitis at magkaroon ng hatol bago ang Pasko.
Noong biyernes, sinabi ni Senate Impeachment Court spokesperson Atty. Reginald Tongol na inaasahang makapaglalabas na ng hatol ang Impeachment court pagsapit ng December 16. | ulat ni Nimfa Asuncion