Mahigit labing dalawang (12) libong permit at clearance para sa telecommunications infrastructure ang inaprubahan ng mga Local Government Unit sa buong bansa ngayong taon.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government, umabot sa 12,241 permits ang naaprubahan hanggang Setyembre, mula sa 707 lungsod at munisipalidad.
Layunin nitong mapabilis ang pagtatayo ng mga telecommunications tower at iba pang pasilidad para mapalawak ang internet access sa bansa.
Sinabi ng ahensya na mas maraming LGU ang nagpapatupad ng mas mabilis at pinasimpleng proseso sa mga aplikasyon ng internet providers.
Samantala, 94 LGU ang mayroon pang 2,046 pending applications na kailangang aksyunan sa loob ng itinakdang processing time.
Nagbabala ang DILG na maaaring maparusahan ang mga opisyal na nagdudulot ng red tape, alinsunod sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business Law. | ulat ni Rey Ferrer