Inanunsyo ng pamahalaan ng Yemen ang paglulunsad ng isang military campaign na layong bawiin ang mga teritoryong nakubkob ng militanteng grupong Houthis.
Ayon kay Yemeni President Rashad Al-Alimi, magtutuloy-tuloy ang opensiba ng kanilang hanay hanggang sa mapalaya ang kanilang bansa mula sa kamay ng teroristang militia.
Sa bukod na pahayag, nanawagan ang tagapagsalita ng Yemeni military sa mga miyembro ng Houthis na isuko na ang kanilang armas.
Maaalalang nasa lampas isang dekada na ang digmaan sa Yemen buhat sa awayan ng internationally recognized government at ng militanteng grupo.
Ang pamahalaan ng Yemen ay suportado ng Saudi Arabia habang ang Houthis naman ay kaalyado ng Iran.
Matapos ang ilang taong tigil-putukan, muli na namang sumiklab ang gulo sa Yemen noong nakaraang buwan at isa ngayon sa bagong suliranin sa galaw ng langis at iba pang kalakal sa Gitnang Silangan.