Pinaaalis na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa China ang ginawa nitong artipisyal na isla at iba pang aktibidad sa Panganiban at Zamora Reef.
Sa inilabas na pahayag ng DFA ang dalawang reef ay malinaw na nasa hurisdiksyon at soberanya ito ng Pilipinas. Bilang low-tide elevations walang sinoman ang maaaring umangkin nito dahil sakop pa ito ng exclusive economic zone ng PIlipinas.
Giit pa ng DFA, ang mga itinatayo umano ng China ay malinaw na paglabag sa Philippine Maritime Zones Act (Republic Act 12064) at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Inilabas naman ng DFA ang pahayag matapos magpaputok ng flares ang Chinese forces sa hindi armadong aircraft ng Philippine Coast Guard na nagsasagawa ng routine maritime domain awareness flight sa Kalayaan Island Group noong September 7. Ang mga Chinese na nagpaputok ng flares ay nakaistasyon sa Panganiban at Zamora Reef.