Inaasahan ngayon ang pagharap ni Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 para sa kanyang arraignment kaugnay ng tatlong counts ng Grave Threats.
Nakatakda ang arraignment alas-8:30 ng umaga ngayong Biyernes, September 11.
Sa arraignment, pormal na ipababatid kay Duterte ang mga kasong isinampa laban sa kanya at hihingan siya ng plea kung guilty o not guilty.
Una nang sinabi ng kampo ng Bise Presidente na personal siyang dadalo sa proceedings.
Una nang naghain ng ₱360,000 bail ang Bise Presidente para sa tatlong counts ng Grave Threats. | ulat ni Merry Ann Bastasa