Nag-abiso ang National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) na magsisimula sa susunod na Martes, September 15 ang unang pagpapatubig para sa sakahang sakop ng Magat Dam.
Sa kasalukuyang lebel ng tubig sa Magat Reservoir, nasa 52,573.83 ektarya muna ang unang mapapatubigan.
Batay na rin ito sa naunang napagkasunduang three-tranche system para sa unang dry crop season ng 2027.
Posible namang magsimula ang second tranche sa September 30 at third tranche sa October 15, depende sa antas ng tubig sa Magat Reservoir.
Patuloy rin ang water monitoring ng NIA-MARIIS at pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño.
Hinihikayat ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa kanilang Irrigators Association o pinakamalapit na tanggapan ng NIA-MARIIS para sa iskedyul ng pagpapatubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa
