Aabot sa kabuuang 842 na mga establisyimento ang nakitaan ng compliance deficiencies sa ikinasang nationwide compliance drive ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Isinagawa ang operasyon mula August 24 hanggang 28, 2026 kung saan nasuri ang kabuuang 7,685 establishments at 14,806 machines sa iba’t ibang Revenue Regions sa loob ng limang araw.
Agad namang sinelyuhan ang 385 Cash Register Machines (CRM) at Point-of-Sale (POS) machines sa mga nakitaan ng paglabag.
Ang CRM/POS Post-Evaluation ay isa sa apat na pangunahing aktibidad ng BIR sa month-long heightened nationwide enforcement operations, kasama ang Fuel Testing and Marking, Vape Destruction, at Sabong Operations.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, bahagi ito ng patuloy na hakbang ng ahensya para matiyak ang pagsunod ng mga taxpayer sa kanilang mga obligasyon at maitama ang mga nakitang kakulangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸 BIR

