Hinatid na sa Philippine General Hospital sa Maynila si dating House Speaker Martin Romualdez mula sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Isinakay si Romualdez sa ambulansya, habang naka-convoy ang mga escort ng Bureau of Jail Management and Penology.
Ang paglilipat kay Romualdez sa PGH ay alinsunod sa kautusan ng Sandiganbayan Third Division.
Isasailalim si Romualdez sa independent medical examination sa PGH para beripikahin ang resulta ng medical examination na isinagawa ng kanyang mga doktor.
Na-confine sa ospital si Romualdez noong Lunes, kasunod ng kanyang pag-aresto kaugnay ng kasong plunder. Kasama niya sa inisyuhan ng warrant of arrest si dating Congressman Zaldy Co at dalawa pang akusado, kaugnay ng umano’y ₱7.44-bilyong kickback sa mga proyekto sa flood control.