Ilang pangunahing kalsada sa Lungsod ng Maynila ang isasara sa madaling-araw ng Linggo, bukas, Setyembre 13, kaugnay ng CSC-Lingkod Bayani Run 2026.
Simula 1:00 ng madaling-araw, isasara ang northbound at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula P. Burgos Avenue hanggang P. Ocampo Street.
Kasama rin sa road closures ang Katigbak Drive, South Drive, Independence Road, Bonifacio Drive, P. Burgos Avenue, Finance Road, Ma. Orosa Street, at westbound lanes ng T.M. Kalaw at Pres. Quirino Avenue.
May ipatutupad namang rerouting para sa mga motorista. Ang mga sasakyang patungong southbound Roxas Boulevard mula sa tatlong tulay, Jones, MacArthur, at Quezon, ay pinapayuhang dumaan sa Taft Avenue.
Samantala, ang mga galing sa westbound Kalaw Avenue ay maaaring kumaliwa sa M.H. Del Pilar Street, habang ang mga galing sa Quirino Avenue ay maaaring kumaliwa sa Adriatico Street.
Pinapayuhan ng Manila PIO ang mga motorista na planuhin nang maaga ang biyahe, gumamit ng mga alternatibong ruta, at maglaan ng dagdag na oras upang maiwasan ang abala sa kalsada.