Umabot na sa 76 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya ng MV June Aster matapos madagdagan ng 41 labi ang narekober sa patuloy na retrieval operations sa Coron, Palawan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dadalhin ang mga labi sakay ng BRP Cape Engaño bukas, September 13, para sa kaukulang pagsusuri at pagkilala sa mga biktima.
Nananatili namang 43 ang bilang ng mga nakaligtas, habang 13 katao ang nananatiling nawawala batay sa ticket manifest ng 134 na indibidwal. Dalawa naman ang iniulat na hindi sumakay sa barko.
Kinumpirma rin ng PNP-SOCO na narekober na ang asong sakay ng MV June Aster. Patuloy pa rin ang search, recovery, at identification operations sa pinangyarihan ng insidente.
📸 PCG
