Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinatawan ng Rail India Technical and Economic Service upang talakayin ang interes ng kumpanya na makilahok sa tatlong malalaking railway projects sa Pilipinas.
Layunin ng pakikipag-ugnayan na mapalakas ang kooperasyon sa sektor ng riles at maisulong ang mga pangunahing railway projects sa bansa, kabilang ang Mindanao Railway, Cebu Mass Transit, at Philippine National Railways (PNR) South Long Haul.
Nagpahayag ang Rail India Technical and Economic Service ng kahandaang ibahagi ang kanilang technical expertise at karanasan upang makatulong sa pagpapaunlad ng mga railway projects sa Pilipinas.

