Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Indian Space Research Organisation (ISTO) kasabay ng pagdalo nito sa 18th BRICS Summit sa New Delhi, India.
Sa harap ito ng pagnanais ng Pilipinas na makabuo at magkaroon ng sariling satellite system.
Layunin ng inisyatiba na palakasin ang kakayahan ng bansa sa paghahanda sa mga sakuna kasama ang pagmo-monitor sa climate change, agrikultura, komunikasyon, at iba pang larangan na mahalaga sa pambansang kaunlaran.


