DOH, naka-code white alert para sa BARMM parliamentary elections
Simula ngayong araw nakataas na ang code white ng Department of Health (DOH) para sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.
Ibig sabihin nakaantabay ang DOH Central Office, Centers for Health Development at mga DOH hospital lalo na sa BARMM.
Sa code white alert 24/7, nakaantabay ang health emergency team, health commodities, at mga emergency room.
Layon nito, na agad matuguna ang mga medical emergency na may kaugnayan sa halalan.