Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga nagpaabot ng pagbati para sa kanyang ika-69 na taong kaarawan.
Natutuwa siya, sabi ng Pangulo, at nakarating ang kanyang mga bisita sa Malacañang na halos nasa 10,000 na binubuo ng mga taga-suporta, PWDs, senior citizens, at maging ng nasa 200 public school students.
Ayon sa Pangulo, ginawa ng mga nakilahok sa pagdiriwang na sobrang happy ang kanyang kaarawan kasama na ang nasa 20 lalawigan na nakipag-celebrate din sa kanyang birthday.
Nagpaabot din ang ilan sa mga taga-suporta ng Pangulo ng kanilang birthday wish para sa Punong Ehekutibo.
Mahabang buhay, lakas, at patuloy na paggabay ng Panginoon, gayundin ng lakas ng loob ang hiling naman ng mga taga-suporta ng Pangulo para sa kanyang birthday.