Pinagana na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang deployment plan sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito’y para magbigay ng agarang medical at humanitarian assistance sa panahon ng makasaysayan at kauna-unahang Parliamentary Elections ngayong araw.
Ayon sa PRC, nagpakalat sila ng mga ambulansya at first aid stations na nakapuwesto sa mga chapter office, barangay, gayundin sa mga paaralan.
Bukod dito, mayroon din silang Regional Standby Support na magbibigay ng reinforcement kung kinakailangan.
Sa ngayon, naka-high alert ang PRC at nakahanda sa anumang posibleng pagtugon.
Nanawagan naman sila sa publiko na nangangailangan ng emergency assistance at medical support na tumawag sa PRC Operations Center sa 143.