Nakahanda na ang hanay ng Philippine Red Cross (PRC) sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa Undas 2026.
Ayon sa PRC, nasa 1,848 ang kanilang ipakakalat, kung saan 248 dito ay mga staff habang nasa 1,600 naman ang volunteers.
Nakapagtatag na rin sila ng 314 First Aid Stations, 149 Welfare Desks, 103 Mobile Units (Roving Teams) at 104 Foot Patrol Teams.
Bukod dito, naka-standby rin ang nasa 65 ambulansya ng PRC at 19 na emergency vehicles, kabilang ang Volunteer Emergency Response Vehicle at service vehicles.
Dagdag pa ng Red Cross, tatauhan nila ang lahat ng estratehikong lugar sa bansa, mula sa mga sementeryo hanggang sa mga transport hub, simbahan, pamilihan at iba pa.