Self-Governance at Self-Determination ng ating mga kapatid na muslim sa pamamgitan ng isang mapayapa at matagumpay na Bangsamoro parliamentary election ngayon September 14, 2026.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Assistant for Bangsamoro Transformation, Undersecretary Noel Alvarez Baraceros sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Undersecretary Baraceros, ang kauna-unahang parliamentary election sa BARMM ay kulminasyon ng 50 taong pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao mula ng mapirmahan ang Tripoli Agreement sa Libya noong taong 1976.
Dagdag pa ng opisyal, ang parliamentary elections na ito sa BARMM ay katuparan ng mga deliverables ng pamahalaan na nakapaloob sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB).
Ang parliamentary election na ito sa BARMM ay magbibigay ng kapangyarihan sa mga nasasakupan ng rehiyon na pumili ng mga leaders na siyang bubuo ng parliamentary government ng BARMM na bubuin ng 80 representative seats.