Normal ang pasada ng mga pampasaherong jeep sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ngayong Martes ng umaga.
Ito ay sa kabila ng nakakasang transport strike ng ilang transport group.
Sa mga oras na ito, tuloy-tuloy ang biyahe ng mga pampasaherong jeep na karamihan ay punuan. Maging ang libreng sakay bus ng QC LGU ay tuloy-tuloy din ang pasada sa bahagi ng Elliptical Road.
Sinabi naman ng Quezon City Traffic and Transport Management Department (TTMD) na walang naging malaking epekto ang kilos-protesta sa lungsod ng MANIBELA kahapon dahil karamihan sa mga public utility jeepneys (PUJs) ay nagpatuloy sa kanilang mga rutang may prangkisa.
Samantala, sa pag-iikot ng RP team sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, epektibo na sa ilang gasolinahan ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo.