Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱40.8 milyong piso sa anti-illegal drugs operation sa Taytay, Rizal.
Tatlong hinihinalang drug personalities ang naaresto sa Sitio Dulong Bangiad, Barangay San Juan, habang isa pang suspek ang pinaghahanap.
Narekober din sa operasyon ang ilang baril at iba pang ebidensya.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nagbantay ang PCG sa mga daluyan ng tubig at posibleng escape routes upang hindi makatakas ang mga target.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A–Rizal Provincial Office ang operasyon katuwang ang PCG Coast Guard Station Rizal.
Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang isasailalim sa beripikasyon at imbestigasyon ang mga nakumpiskang baril.
📸 PDEA

