Naglabas ng amended advisory ang Commission on Elections (COMELEC) para sa proklamasyon ng mga mananalo sa 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Ayon sa COMELEC, ang mga regional parliamentary political parties at mga kandidato sa Parliamentary District Representatives sa Maguindanao del Norte, maliban sa Cotabato City, Maguindanao del Sur, at Special Geographic Areas ay maaari lamang magsama ng hanggang apat na companion sa proklamasyon.
Gaganapin ang proklamasyon sa 6th Infantry Division, Camp Siongco sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Kailangang isumite ng mga mananalo sa Bangsamoro Electoral Office ang kumpletong pangalan ng kanilang mga kasama, plate number ng sasakyan at pangalan ng driver.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng baril sa proclamation venue.