Nagpasalamat ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa national government sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga residenteng apektado ng kalamidad sa pamamagitan ng Handog ng Pangulo Serbisyong Sapat para sa Lahat service caravan.
Sa opening program sa Sison Auditorium sa Lingayen, sinabi ni Provincial Administrator Manuel Luis Jr. na napapanahon ang caravan kasunod ng deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan.
Nagpasalamat si Luis kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa mga national government agency sa ngalan ni Governor Ramon Guico III at ng mga residente ng Pangasinan.
Kabilang sa mga serbisyong inihatid ang food at agricultural assistance, medical at dental checkup, laboratory tests, gamot, indemnity checks para sa mga apektadong magsasaka, at iba pang tulong sa mga komunidad.
Naglaan din ang Department of Labor and Employment ng mahigit 10,000 job openings at payout para sa mga benepisyaryo ng TUPAD.
Nagpasalamat din ang mga benepisyaryo, kabilang si Sheila Mae Dela Cruz ng Lingayen, na nakapagpa-checkup at nakatanggap ng libreng gamot sa ilalim ng PhilHealth YAKAP program.