Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sinisimulan nang gumastos ng pamahalaan matapos na magpatupad ng paghihigpit dahil na din sa naisiwalat na katiwalian sa flood control.
Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa harap ng naging epekto sa ekonomiya ng hindi masyadong paggastos ng gobyerno lalo na sa mga proyektong may kinalaman sa infrastructure.
Sinabi ng Pangulo, lahat ng construction contracts ay ipinatigil muna matapos na mailantad ang katiwalian sa flood control at mula doon ay inisa-isang suriin ang mga kontrata.
Bunga nito ay nagkaroon, aniya, ng delay sa mga projects at nagkaroon pa ng pagkakataong walang bidding na naganap sa mga government infrastructure projects.
Kaya ngayon, sinabi ng Chief Executive na kailangan nang pabilisin ang public spending na makatutulong aniya sa pagpapalakas ng economic activity at paglago ng gross domestic product (GDP).