Nanawagan si Cabinet Secretary Benhur Abalos para sa mas maayos na koordinasyon at implementasyon ng Revised Coconut Farmers and Industry Development Plan para sa 2024 hanggang 2028.
Ito’y upang mapataas pa ang kita ng mga magsasaka at mapanatiling malakas ang industriya ng pagniniyog, na ani Abalos ay nakapag-aambag ng bilyon-bilyong dolyar sa ekonomiya.
Ayon kay Secretary Abalos, hindi aniya dapat manatiling taga-suplay lamang ng raw materials ang mga magsasaka ng niyog.
Binigyang-diin ni Abalos na kung mas malaki ang bahagi ng value chain na maaaring salihan ng mga magsasaka, mas malaki rin ang kanilang pagkakataong kumita nang mas malaki.
Kaugnay nito ay hinimok ng kalihim ang Philippine Coconut Authority, Department of Agriculture, at mga lokal na pamahalaan na ganap na ipatupad ang plano at direktang ihatid ang mga programa nito sa mga komunidad na nasa pagsasaka ng niyog.