Hinihikayat ng Department of Environment and Natural Resources ang publiko at mga industriya na gumamit ng mas matipid sa enerhiya at makakalikasan na cooling system.
Ang panawagan ay bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Ozone Month ngayong Setyembre.
Ayon kay DENR Secretary Juan Miguel Cuna, mahalagang mabawasan ang paggamit ng mga kemikal na nakasisira sa ozone layer at nakadaragdag sa climate change.
Kabilang dito ang paggamit ng mas environment-friendly na air conditioner at refrigerator.
Sinabi ni Cuna na makatutulong ang mga hakbang na ito sa pangangalaga ng kalikasan, kalusugan, food security at ekonomiya.
Nanawagan ang DENR sa publiko at mga industriya na magtulungan para sa mas ligtas at mas malinis na kinabukasan. | ulat ni Rey Ferrer