Hindi dapat bigyan ng asylum ang nagtatagong si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ito ang iginiit ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Remulla, magpupunta siya sa France upang kumbinsihin ang kanyang counterpart doon na huwag tanggapin ang aplikasyon ni Co para sa asylum.
Matatandaang may nakabinbing warrant of arrest laban kay Co kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.
Samantala, nilinaw naman ni Remulla na magkahiwalay ang kanilang lakad ng kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa France. Magkaiba rin umano ang mga taong kanilang kakausapin doon. | ulat ni Diane Lear