Maituturing na naging mapayapa at maayos sa pangkalahatan ang pagdaraos ng kauna-unahang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pahayag ito ni Communications Undersecretary Claire Castro, sa kabila ng mga naitalang insidente ng karahasan sa kasagsagan ng halalan.
Ayon sa opisyal, hindi nanaisin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang anumang uri ng karahasan.
At bagamat mayroong mga isolated incident, kung ang report ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabatayan, generally peaceful and orderly ang eleksyon, kahapon (September 14).
“Hindi nanaisin ng Pangulo at ng administrasyon na ito na mayroon pong nangyayaring karahasan at ito naman po ang ipinag-uutos ng Pangulo na bantayan mabuti, protektahan ang ating mga kababayan sa mga ganitong klaseng insidente but nag-report na po ang PNP, according to PNP, generally peaceful and orderly po iyong naganap na eleksiyon.” —Castro
Naging maganda rin aniya ang voters turnout, na pumalo sa higit 82% na katunayan, mas mataas ng 4.79% kumpara sa bilang ng mga lumahok noong 2025 midterm elections sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, nananatiling mahigpit ang ugnayan ng PNP sa Commission on Elections (Comelec) hanggang matapos ang lahat ng election activities sa rehiyon.
“So, sa pananaw po ng administrasyon ay naging maganda naman po ang naging eleksiyon kahapon sa BARMM.” —Castro