Inilatag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) South Manila District Engineer Alwyn Pido kay DPWH Secretary Vince Dizon ang isa sa mga solusyon para mabawasan ang nararanasang pagbaha sa Maynila.
Tinatayang aabot sa mahigit ₱2.4 bilyong ang halaga ng apat na proposed storage area sa ilalim ng drainage improvement plan ng Department of Public Works and Highways-South Manila District Engineering Office (DPWH-SMDEO).
Sakop ng Scheme 1 ang Luneta, Harbor, Manila Bay, at P. Ocampo na may pinagsamang kinakailangang storage capacity na halos 98,000 cubic meters.
Sa Luneta, ₱350 milyong ang estimated construction cost para sa 14,000 cubic meter na storage capacity habang ₱367 milyong naman sa Harbor para sa 14,680 cubic meters.
Pinakamalaki ang nakaplanong pasilidad sa Manila Bay na may 60,950 cubic meter na storage capacity at tinatayang gastos na mahigit ₱1.5 bilyong.
Samantala, ₱205 milyong ang inilaan na estimated construction cost sa P. Ocampo para sa 8,200 cubic meter na storage capacity.
Bahagi ang mga ito ng drainage improvement plan ng DPWH-SMDEO para mapalakas ang flood mitigation system sa South Manila.