Naging sentro ng talakayan sa kumperensya sa Maynila ang pangangailangang pabilisin ang pagpapadala ng tulong sa mga apektadong residente gamit ang mga standardized at science-based trigger mechanisms.
Sa kaniyang virtual address, binalikan ni dating ASEAN Secretary-General Ambassador Ong Keng Yong ang anim na magkakasunod na bagyo sa Pilipinas at ang pananalasa ng Bagyong Yagi noong 2024 na nag-iwan ng milyun-milyong apektadong mamamayan. Binigyang-diin nito na dapat magkaroon ng malinaw na basehang siyentipiko upang agad na maipadala ang mga assessment at response teams gaya ng ASEAN Emergency Response and Assessment Team (ASEAN-ERAT) nang hindi naantala ng burukrasya. Kasabay nito, suportado naman ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction o UNDRR ang mga inisyatiba sa rehiyon partikular sa disaster prevention, financing, at pagsasama ng mga komunidad sa pagpaplano.
Inaasahang magsisilbing mahalagang pundasyon ang kinalabasan ng pagpupulong sa Maynila para sa mas malawak na Asia-Pacific Ministerial Conference na idaraos sa bansang Japan sa 2027. | ulat ni Ej Lazaro