Inaasahang mababawasan ang paglalagay ng Yellow Alert status sa Visayas region dahil magkakaroon ng karagdagang 135 megawatts na supply ng enerhiya sa Visayas Grid pagsapit ng taong 2028.
Sa isang pulong-balitaan sa Department of Energy, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na ito ay dahil sa pagtatapos ng konstruksyon ng mga bagong power plant na tutulong sa Visayas region pagsapit ng taong 2028.
Kabilang din ang ilang mga plantang matatapos ang isinagawang preventive maintenance sa mga susunod na buwan.
Sa huli naman siniguro ng kalihim na patuloy nilang tinutugunan ng energy department na maibsan na ang patuloy na Yellow at Red Alert status sa Visayas at Mindanao.