Mas matinding pagbabantay ang isasagawa ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa generation companies sa Visayas at Mindanao bunsod ng nararamdamang kakulangan ng suplay ng kuryente.
Inihayag ERC Legal Service Director, Atty. Maria Corazon Gines, na pangunahing dahilan talaga ng pagnipis ng power reserve sa Visayas at Mindanao ang forced at emergency outages ng generation companies.
Kaya naman titingnan at iimbestigahan ng ERC kung lumagpas na ang mga ito sa pinapayagang outages allowance.
Oras na mapatunayang lumabag ang mga ito at sumobra sa inilaang outage allowance ay karampatang parusa at multa ang kanilang kahaharapin.
Maganda umano na mahigpit itong maipatupad dahil mas bumababa ang tiyansa na magkaroon ng outage kung nababantayang mabuti ang mga generation company.