Walang-patid ang pag-agapay ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kapakanan ng mga consumer sa harap ng banta ng El Niño at paggalaw ng inflation.
Ibinahagi ni Trade Secretary Cristina Roque, na tulad ng isinasagawang inisyatiba ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo ay magbibigay din ng murang options na mga bilihin ang DTI.
Ani Roque, nakatakda nang ilunsad ang mga rolling store ng DTI na magbebenta ng basic necessities and prime commodities na mas mura ang presyo.
Sa tulong nito ay mas mapapalakas ang purchasing power ng mga mamimili habang inaalalayan silang malagpasan ang epekto ng El Niño at inflation.
Payo ng DTI, na manatiling updated sa kanilang social media platforms at website upang malaman ang schedule at lugar kung saan bubuksan ang mga rolling store.
Nanawagan din ang kagawaran sa mga consumer na iwasan ang hoarding ng mga murang produkto upang mabigyan ng tiyansa ang lahat na makabili nito.