Patuloy ang isinasagawang beripikasyon ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa mga insidente ng mga karahasan at pandaraya na pinadala sa kanila ng mga volunteer
Kaugnay naman ito sa isinagawang kauna-unahan at makasaysayang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kahapon (September 14).
Kabilang sa mga insidente na natanggap ng NAMFREL ay ang:
Komosyon na sinundan ng pagpapaputok ng baril sa bisinidad ng Vilo Elementary School sa Cotabato City na nakasakit sa isang tao.
Komosyon ng dalawang political parties sa Tapayan Central Elementary School sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte na nagresulta sa pagkaantala ng botohan.
Banta ng pagharang sa pagbiyahe ng balota, pre-shaded na baloto at pag-impluwensya umano ng Electoral Board Chair sa kung sino ang dapat iboto sa Cabobo Elementary School sa Lamitan City, Basilan.
Pre-shading ng balota ng isang political party sa Lugay-Lugay Central School sa Cotabato City.
Pamamahagi ng pre-shaded ballots ng EB member at presensya umano ng flying voters sa Canizares National High School sa Cotabato City.
Umano’y vote buying sa Datu Usman Elementary School sa Cotabato City at ibang resulta ng boto sa voter verifiable paper audit trail sa Sandakan Elementary School sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.