Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga pulis sa kanilang dedikasyon at sakrpisyo sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Ito’y para mapanatiling ligtas, maayos at mapayapa ang kauna-unahan at makasaysayang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kahapon (September 14).
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa kabila ng mga napaulat na insidente ng karahasan, napanatili naman sa pangkalahatan ng mapayapang pagdaraos ng halalan.
Una rito, ilang insidente ang naitala noong bisperas at mismong araw ng halalan, kabilang ang mga pamamaril, pagsabog, at pagkakarekober ng isang improvised explosive device (IED).
Kalaunan ay isinailalim sa kontrol ng Comelec ang Cotabato City at Maluso, Basilan kasunod ng mga insidenteng may kaugnayan sa seguridad gayundin ang pagkakadiskubre ng mga pre-shaded ballots.
Ayon kay Nartatez, agad na tumugon ang mga pulis sa mga naiulat na insidente at inayos ang deployment ng mga tauhan upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante at maiwasan ang karagdagang karahasan.