Nakukulangan pa din ang isang mambabatas sa ginawang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagtangal ng 12% VAT sa systems loss charge na kinakarga sa bawat electricity bill ng mga consumers ng kuryente.
Ito ang pahayag ni Senator Erwin Tulfo, Chairman ng Senate Committee on Energy sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Aniya, bagama’t sang-ayon ito sa hakbang ng BIR sa pamamagitan ng Revenue Memorandum Order circular No. 97-2026, hindi pa din nito matutugunan ang usapin hingil sa hindi makatwirang pagpasa sa electricity consumers ng kuryenteng hindi nagagamit at nakaka-classify na systems loss.
Dagdag pa ng Chairman ng Senate Committee on Energy na may dalawang panukalang batas sa Senado ang umuusad na upang tuluyan at magbigay ng permanenteng solusyon sa isyu ng systems loss charges.