Naka-angkla sa layunin ng Marcos Administration ang pag-alis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa value-added tax para sa allowable system loss, lalo’t inaasahan ito na makapagbibigay ng direkta at agarang benepisyo sa mga konsumer ng kuryente.
“Mga pagbabagong praktikal at aktwal na nararamdaman… iyan ang nais ni Pangulong Marcos Jr. para sa ating mga kababayan,” -Castro.
Kung matatandaan, una nang ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paggawa ng mga hakbang upang mapababa ang electric bill ng mga Pilipino.
“Ang pagtanggal ng buwis sa allowable system loss ay isang hakbang upang tuparin ang hangarin ng Pangulo na maghatid ng mga reporma na direktang napapakinabangan at agarang nararamdaman ng mga Pilipino,” -Castro.
Ayon kay Castro, gagawa naman ng paraan ang BIR at Department of Finance (DOF) upang mapunan ang PhP10 million revenue na tinatayang mawawala sa pamahalaan, kasunod ng paga-alis ng allowable VAT sa system loss charge.
“Maraming paraan ang BIR, ang DOF para magkaroon ng pondo na puwedeng panagot sa mawawalang PhP10 billion.” -Castro.
Nariyan aniya ang tamang tax administration, paniningil ng tamang buwis, mga reporma patungkol sa VAT sa digital services, CREATE more, at iba pa,” -Castro. Sabi ni Castro, lahat ng mga hakbang na ito ay dapat na makapag-engganyo pa ng pamumuhunan sa bansa, upang mas madagdagan ang buwis na kinu-kolekta ng gobyerno.